Sina-pupu-nan
Tatlong oras matapos sumikat ang araw. Naglakad kaming magbabarkada sa dalampasigan pagkatapos magtampisaw sa dagat. Mainit, maaraw, at bughaw ang kalangitan habang patungo kami sa aming bangka.
Mabagal lang ang aming lakad, na para ba na naglalakad kami sa buwan. Binagalan namin dahil gusto namin damhin ang bawat pagtapak namin sa buhanginan ng dalampasigan dahil kinabukasan ay patungo na naman kami sa realidad ng buhay.
Huminto ako at sinabing, "tapos na ang bakasyon, balik trabaho na naman tayo mga brod."
Sumagot sila, "Di bale, may susunod pa naman", "pati wala narin pera eh". Sabay tawanan kaming magbabarkada.
Sumagot ang isa, "ang drama nyo! tang ina nyo! ang babagal nyo maglakad! taeng-tae na ko! bilisan nyo mga punyeta kayo! Tang ina naman oh!"
Sumagot ako, "Tang ina mo! Kain pa more gago!"
Comments
Post a Comment