Lutang

(Palompon, Leyte)

Lutang. Kulang sa tulog. Sagad sa problema at trabaho. Gising ka pero tulog ka pa rin. Nag-aagahan ka na lang gamit ang dalawang tinidor at mag sisipilyo gamit ang pantene, nag babaka sakaling mas bumango ang hininga mo. Wala ka ng pake, para ka ng robot. Sa jeep, matutulala ka na lang sa kawalan, malalaman mo na lang na nakatingin ka na pala sa mukha ng isang lalakeng nakatingin din sayo. Magpipigil ka ng antok kasi medyo malapit ka ng bumaba, pero makakatulog ka parin, tapos bigla ka nalang magigising na nasa isip "shet! Lagpas na ko!" tapos titingin sa left, right, up, down, circle, square and all of the above. Malalaman mong malayo-layo pa pala. Nag sideline ka na lang muna na tiga abot ng bayad at sukli para di makatulog. Alertong alerto ka, medyo may marinig ka lang na kala mo "bayad po", kukunin mo na agad yung bayad nila para iabot kahit wala naman pala. Nag promise na di ka na muna iidlip, pero promises are made to be broken. Lagpas ka na. Kaya sumakay ka ulet pabalik dahil male late ka na. Tumakbo ka papuntang opisina, mahaba ang pila sa elevator. Kaya nag hagdan ka na lang, tutal 8th flr lang naman. Tumakbo ka na parang si flash na natatae lang. Pero 2nd floor pa lang pagod ka na, kaya naglakad ka na lang. Pero napagod ka rin lumakad, kaya pumila ka na lang sa elevator ng 3rd floor. Ang problema, puno na lagi pagdating sa 3rd. Kaya yung pababa na lang sinakyan mo, daming nasayang na oras pero wala ka ng pake. Gaya ng kompanya mo na wala rin pake sayo. Pagbaba mo sa elevator, naisip mong umuwi na lang kasi rest day mo pala ngayon.

ig @cudztorya


Comments

Popular posts from this blog

Bebet

Haring Araw

Sina-pupu-nan