Skywalker
(Cuenca, Batangas)
Lagi akong late dati sa trabaho. Pero isang araw ng ma stranded ako sa traffic, sumabay pa ang masamang kulo ng tiyan. Bumaba ako ng jeep at nagsimulang tumakbo ng napakabilis. Bente anyos ako nung mga panahon na yun, at nung mga oras din na iyon una kong nalaman na sa bilis ng aking mga binti at paa, nagmimistulang naglalakad na ako sa ere at nakakalipad. Nakarating agad ako sa opisina, nasiko ang guwardiya ng di sinasadya, at di na ko nag time-in sa bukana. Dumirecho agad ako sa pinakamalapit na cr at doon naglabas ng sama ng loob. Kinabukasan, di na ko na late. Tinangal na kasi ako sa trabaho. Di na rin ako nag adik. Wala pala talaga akong powers. Nagkalat lang daw ako ng tae sa opisina.
ig @cudztorya
Comments
Post a Comment