Lilipad na Ako

(San Antonio, Zambales)

Daig ko pa dito si rose na nagsabing, "jeeck! I'm flying!" Sabay tugtog ng My Heart Will Go On ni Celine Dion. Di pa masyado ganun kalakas ang hangin pero ang sarap sa pakiramdam ng bawat hampas at hinahayaan ko na lang matangay ang sarili sa bawat bugso nito. Bukod sa masarap na simoy ng hangin ay matatanaw mo pa ang napaka gandang landscape ng Zambales, at kita mula dito sa aking kinatatayuan ang Nagsasa Cove. Walang plot twist sa kwento ko ngayon, kasi wala rin akong Rose dyan, nag let go na, kasi nga walang poreber!

ig @cudztorya

Comments

Popular posts from this blog

Bebet

Haring Araw

Sina-pupu-nan