Gising na

(Palompon, Leyte)

Sabi nga sa commercial ng isang kape, para kanino ka bumabangon? Iba-iba naman tayo ng dahilan. Pero dahil ba ito sa trabaho kasi kailangan, o para sa sahod kasi nga kailangan mo at ng pamilya. Sa dami ng bayarin ngayon, kahit labag pa sa kalooban mong pumasok, babangon at babangon ka sa kabila ng mga rason na inihahain ng iyong utak sa umaga. Rason na okay lang yan, snooze ka pa. Hanggang sa ma late ka na.
Eh anong connect sa picture, ewan ko lol, jk. 2am ng mga oras na yan, gumising lang ako para dyan kahit may lakad ng kinaumagahan. Lumabas ako dala ang tripod at camera, wala ng toothbrush toothbrush. Naghanap ako ng lugar kung saan pwede mag set-up ng camera at umupo.
Malamig ang simoy ng hangin, habang nakaupo ako sa buhanginan. Pinagmamasdan ko lang yung langit, habang naririnig ko yung paghampas ng hangin sa bawat dahon ng puno at yung pagtama ng alon sa dalampasigan.
Maulap nung umpisa, pero nung lumipas ang mga oras bumungad din ang mga bituin sa langit, kasabay ng pag-iba ng kulay nito, ibig sabihin malapit na ang bukang liwayway.
Gawain ko na to, ang sarap gumising dahil gusto ko lang at hindi dahil kailangan. Hindi naman lagi ganito syempre, pero hanggat maaari pinaparanas ko sa sarili ko yung mga bagay na nakakapag pasaya sakin kahit maliit pa yan. Minsan yung mga maliliit na bagay pa yung mas hindi natin makalimutan kung gaano ito kaganda. At minsan, kahit nandyan na, di natin nabibigyan ng oras para pahalagahan. Napahaba na yung kwento ko, parang may poreber na ata. Jk. 

ig @cudztorya

Comments

Popular posts from this blog

Bebet

Haring Araw

Sina-pupu-nan