Maling Akala

(Tarak Ridge, Mariveles, Bataan)

Minsan akala mo ikaw na yung magaling, kasi nga ang bilis mo eh! Inunahan mo pa yung ibang nauna sa trail. Kaya ikaw na talaga magaling. Ma rreealize mo na lang pag nasa tuktok ka na. Na may mas mataas pa na lugar na di mo kayang abutin at marami pang iba na mas espesyal kesa sayo.
Kaaakyat mo lang, samantalang pababa na yung iba.
Ma-rrealize mo din na di pala karerahan yung pinuntuhan mo. Di mo kailangan bilisan, kailangan mo lang mag enjoy at habaan ang pasensya para sa susunod na pag ahon.
Uupo ka na lang para mag muni-muni, at eenjoy kung anong meron ka habang pinag mamasdan yung iba na naunahan ka na. Gaya mo na isang walang kwentang self-centered na talunan. Jk. Tignan mo na lang yung araw na pabagsak. Maiisip mo na di lahat ng bumabagsak eh pangit, yung iba napakaganda. Pero sa kaso mo, mahal ka naman ng mama mo eh, kaya ayos lang yan.

ig @cudztorya

Comments

Popular posts from this blog

Bebet

Haring Araw

Sina-pupu-nan