Suka at Hindi Susuko
Gigising ako ng maaga. At dahil kami ay walang-wala, tanging sinag ng araw na lang ang pinaka almusal ko sa umaga. Roronda sa kalsada, kasabay ng mabibilis na sasakyang pumapasada.
Maswerte na kung may bumili ng isa o dalawa sa aking paninda. Sapat na iyon hanggang sa makumutan ng dilim ang nilalakaran naming kalsada.
Ngayon o kailanman, kahit sa ilalim ng mainit na araw, ako ay patuloy na mangangarap at umaasa na ako'y makakapag tapos at magiging maliwanag na ang susunod na mga araw.
Comments
Post a Comment