Babalik ka rin
(Kalanggaman Island, Leyte)
Masarap talagang balik-balikan yung mga bagay na nagpapasaya satin kahit minsan na tayong sinaktan nito. Lol. Biglang hugot. Teka teka patapusin nyo muna ko. Pag nasaktan ka na o na trauma, takot ka na ulit sumubok. Pero pano tayo makakaahon kung di natin susubukan ulit. Muntikan na kong malunod dati nung bata ako. Nakakatakot kasi parang may humihila sa paa ko nun, ang bigat. Hanggang ngayon naalala ko parin, nakatatak sa utak ko kung paano ako nag pupumiglas sa tubig at kung paano ako hinila ng kapatid ko papunta sa mababaw.
Di na ko nakapag swimming nun sa takot, leche. Aasa na lang ako sa salbabida. 8 years old lang ako nun.
Pero na realize ko rin mga ilang buwan ang lumipas, habang nanunuod sa mga batang tumatalon sa may laguna de bay. Gusto ko rin ng ganun. Ang saya tignan. Nakakaingit. Hanggang sa napabarkada ako sa kanila. Lol. At eto ako ngayon, walang takot sa kahit anong anyong tubig, pero nag-iisip kung ano ba ang dapat suungin o languyin.
Paano tayo matututo kung papangunahan tayo ng takot. Kung lahat na lang sasaktan tayo, paano na lang. Kung takot ka magmahal ulet, ganyan talaga sa umpisa. Pero babalik at babalik tayo sa ganyan. Masarap sa pakiramdam yan eh. Unti-unting mawawala ang takot. Nasaktan tayo oo, pero mas nalaman natin kung ano ang tama sa mga taong gumawa ng mali sa atin. Keep on loving my friends <3 kahit walang poreber. Nyeta layo ng narating ng picture na to.

ig @cudztorya
Comments
Post a Comment