Posts

Showing posts from September, 2018

Bituin sa Langit

Image
(Palompon, Leyte) Minsan na akong pinalad na makahuli ng bituin sa langit.  Sa sandaling panahon ay nabighani ako sa taglay nitong kislap at kagandahan.  Matagal ko din itong nahawakan, at sa aking palad ramdam ko ang init na sa paglipas ng oras ay lalong umiinit, hanggang dumating ito sa puntong ako'y napapaso na.  Hindi ako bumitiw at lalo ko pa itong hinawakan ng mas mahigpit, kahit masakit.  Sa sobrang higpit ay unti-unti na rin nawawala ang liwanag na kanyang taglay.  Ginawa ko naman ang lahat, hanggang sa wala na akong magawa.  Ang tanging nangyayari na lang ay masaktan ako, at pati narin siya.  Wala na akong magawa.  Unti-unti kong binuksan ang aking palad hanggang ito'y makawala.  Wala na akong magawa.  Bumalik na ang iyong kinang at liwanag.  Wala na akong magawa.  Ang tanging alam na lang ay magpalaya.  Wala na kong magawa kundi pagmasdan na lang sa malayo ang kislap ng butuin na masasabi kong minsan ay na...

Habang Naghahantay

Image
(Convent Pilgrim Center, Cebu) Inaantay ko silang matapos. Ang init tapos pawisan na ko. Pero ayos lang dahil nag eenjoy pa sila. Kaya pumitik muna ko ng ilang shots habang nandun sila sa gitna. Lima silang nandyan, kasama yung bata. Mamaya aalukin ko na sila ng sabon pampaputi kasi nabilad na rin sila. Biro lang. Wala naman akong pake kung ako ba yung subject o hindi, basta may matinong picture pwede na. At marunong din ako mag-antay kung pagkakataon ko na. Ayun nga, nakapag hyperlapse ako ng maayos pagkatapos nila. Minsan, kailangan mo lang talaga mag antay ng matagal bago makuha yung gusto mo. Hindi yung dadaanin mo lahat sa bilis kahit hindi ganun kaganda yung magiging resulta. Bwisit talaga, dapat 2 sentences lang ilalagay ko na caption eh. Humaba na naman, badtrip. ig @cudztorya

Lutang

Image
(Palompon, Leyte) Lutang. Kulang sa tulog. Sagad sa problema at trabaho. Gising ka pero tulog ka pa rin. Nag-aagahan ka na lang gamit ang dalawang tinidor at mag sisipilyo gamit ang pantene, nag babaka sakaling mas bumango ang hininga mo. Wala ka ng pake, para ka ng robot. Sa jeep, matutulala ka na lang sa kawalan, malalaman mo na lang na nakatingin ka na pala sa mukha ng isang lalakeng nakatingin din sayo. Magpipigil ka ng antok kasi medyo malapit ka ng bumaba, pero makakatulog ka parin, tapos bigla ka nalang magigising na nasa isip "shet! Lagpas na ko!" tapos titingin sa left, right, up, down, circle, square and all of the above. Malalaman mong malayo-layo pa pala. Nag sideline ka na lang muna na tiga abot ng bayad at sukli para di makatulog. Alertong alerto ka, medyo may marinig ka lang na kala mo "bayad po", kukunin mo na agad yung bayad nila para iabot kahit wala naman pala. Nag promise na di ka na muna iidlip, pero promises are made to be broken. Lagpas...

Babalik ka rin

Image
(Kalanggaman Island, Leyte) Masarap talagang balik-balikan yung mga bagay na nagpapasaya satin kahit minsan na tayong sinaktan nito. Lol. Biglang hugot. Teka teka patapusin nyo muna ko. Pag nasaktan ka na o na trauma, takot ka na ulit sumubok. Pero pano tayo makakaahon kung di natin susubukan ulit. Muntikan na kong malunod dati nung bata ako. Nakakatakot kasi parang may humihila sa paa ko nun, ang bigat. Hanggang ngayon naalala ko parin, nakatatak sa utak ko kung paano ako nag pupumiglas sa tubig at kung paano ako hinila ng kapatid ko papunta sa mababaw.  Di na ko nakapag swimming nun sa takot, leche. Aasa na lang ako sa salbabida. 8 years old lang ako nun. Pero na realize ko rin mga ilang buwan ang lumipas, habang nanunuod sa mga batang tumatalon sa may laguna de bay. Gusto ko rin ng ganun. Ang saya tignan. Nakakaingit. Hanggang sa napabarkada ako sa kanila. Lol. At eto ako ngayon, walang takot sa kahit anong anyong tubig, pero nag-iisip kung ano ba ang dapat suungin o lang...

Maling Akala

Image
(Tarak Ridge, Mariveles, Bataan) Minsan akala mo ikaw na yung magaling, kasi nga ang bilis mo eh! Inunahan mo pa yung ibang nauna sa trail. Kaya ikaw na talaga magaling. Ma rreealize mo na lang pag nasa tuktok ka na. Na may mas mataas pa na lugar na di mo kayang abutin at marami pang iba na mas espesyal kesa sayo. Kaaakyat mo lang, samantalang pababa na yung iba. Ma-rrealize mo din na di pala karerahan yung pinuntuhan mo. Di mo kailangan bilisan, kailangan mo lang mag enjoy at habaan ang pasensya para sa susunod na pag ahon. Uupo ka na lang para mag muni-muni, at eenjoy kung anong meron ka habang pinag mamasdan yung iba na naunahan ka na. Gaya mo na isang walang kwentang self-centered na talunan. Jk. Tignan mo na lang yung araw na pabagsak. Maiisip mo na di lahat ng bumabagsak eh pangit, yung iba napakaganda. Pero sa kaso mo, mahal ka naman ng mama mo eh, kaya ayos lang yan. ig @cudztorya

Seatsale

Image
(Clark, Pampanga) Bes1: Beeees! Good news! May promo ngayon sa airasia, wala ka ng babayaran! May pipirmahan ka lang!  Bes2: Talaga Bes!? Sige na pa book mo na! Bilis! Bilis! Sa Batanes tayo! Excited na koooo!  ---3 days later--- Bes2: Tarantado ka Beees! Di ko na mataas paa kong leche ka!  Bes1: Sorna Bes... Malapit naman na Batanes... Taas mo pa paa mo, kasama sa kontrata yan na pinirmahan eh. ig @cudztorya

Tanghaling Tapat

Image
(Lion Rock Peak, Hong Kong) Tanghaling tapat nito. Init init, tirik yung araw kaya solid yung tama sa balat ko. Di pa mapuno sa tuktok pero napilitin kaming magbilad na parang daing para lang sa inaasam na magagandang litrato. Nakalimutan ko pa dalhin yung sleeves ko. Kaya pag uwi ko feeling ko tall, dark and handsome na ko. Pagdating ko sa bahay, kala nila bisita si Binay. Yung iba binato pa ko ng panyo, tapos pinahid sakin. Leche. ig @cudztorya

Gising na

Image
(Palompon, Leyte) Sabi nga sa commercial ng isang kape, para kanino ka bumabangon? Iba-iba naman tayo ng dahilan. Pero dahil ba ito sa trabaho kasi kailangan, o para sa sahod kasi nga kailangan mo at ng pamilya. Sa dami ng bayarin ngayon, kahit labag pa sa kalooban mong pumasok, babangon at babangon ka sa kabila ng mga rason na inihahain ng iyong utak sa umaga. Rason na okay lang yan, snooze ka pa. Hanggang sa ma late ka na. Eh anong connect sa picture, ewan ko lol, jk. 2am ng mga oras na yan, gumising lang ako para dyan kahit may lakad ng kinaumagahan. Lumabas ako dala ang tripod at camera, wala ng toothbrush toothbrush. Naghanap ako ng lugar kung saan pwede mag set-up ng camera at umupo. Malamig ang simoy ng hangin, habang nakaupo ako sa buhanginan. Pinagmamasdan ko lang yung langit, habang naririnig ko yung paghampas ng hangin sa bawat dahon ng puno at yung pagtama ng alon sa dalampasigan. Maulap nung umpisa, pero nung lumipas ang mga oras bumungad din ang mga bituin sa langi...

Pahinga

Image
(Baco, Oriental Mindoro) Kahit gaano ka pa kagaling o kalakas, mapapagod at mapapagod karin. Bilisan mo man o bagalan, darating ka rin sa puntong di mo na kaya. Umulan man o umaraw, mahihirapan ka parin lumakad. Walang makakaligtas, di naman tayo ginawa para maging manhid sa sakit na dulot ng mundong ito. Siguro, kaya tayo nasasaktan, para alam natin kung tama pa ba o tama na. Tama ba munang magpahinga, o tama ng itigil na lang lahat kasi di na natin kaya. Minsan kasi tayo na lang ang nag dedesisyon para saktan ang mga sarili natin, yung kahit ilang pahinga pa ang gawin mo, alam mo na sa sarili mo na wala ka naman talagang patutunguhan. Biruin mo, kahit bundok sasaktan ka!  Di na nga ako aakyat ng bundok. Mag ddota na lang ako! Jk. I lab mountains! ❤ dahil parte ng buhay ang masaktan, pero sa bawat sakit, dapat may natututunan. ig @cudztorya

Mga Dahilan sa Pag-Akyat

Image
(Mt. Balingkilat Summit, San Antonio, Zambales) Maraming dahilan, pero isa ito sa mga rason kung bakit gusto kong umakyat ng bundok. Sa unang pagsilip ng araw sa mga pagitan ng nagtataasan na anyong lupa, hanggang sa unti-unting pag latag ng gintong banig sa kapatagan. Makikita mo ito sa iyong kinatatayuan, hanggang sa ika'y masilaw. Ngunit sa bawat pagtama ng liwanag ay may kaakibat na dilim sa likuran. Ito ang nagbibigay karakter at ganda sa isang bagay na mas lalo mo pang bibigyan ng halaga. Sabi nga ni Shanti Dope sa bundok, malinis maputi sya pero bat ganun maitim talaga ang shadow sa kabilang side. ig @cudztorya

Haring Araw

Image
(Lantau Trail, Hong Kong) Ako: Haring araw, alam mo lahat ng kaibigan ko nag-aasawa na, ako na lang hindi. Mabait naman ako bakit ganun. Wala parin yung poreber ko. Show me the sign Mr. Sun! Please, ipakita mo sakin kung sino! Sinagan mo! SHOW ME THE SIIIIGN!!! HARIING ARR-- . ARAW: TANG-INA MO KA, KAKASIKAT KO LANG TAPOS SISIGAW SIGAWAN MO KO! PATI PUTA BAKIT SAKIN HAA! ANO MAGAGAWA KO HAAA!?? ALAM MO BANG MAG PHOTOSYNTHESIS KANG PUNYETA KA HA!? GANUN KA NA BA KA DESPERADO! PUNYETA KANG NILALANG KA, ANO TO BEAR IN THE BIG BLUE HOUSE! BAKIT KITA NAKAKAUSAP NA HINAYUPAK KA! GUSTO MO NG POREBER! OH ETO, SUSUNUGIN NA KITANG ANIMAL KA! POREBER KA NG MAWAWALANG HAYUP KA!  ig @cudztorya

Chronicles of Kumare

Image
(Masasa Beach, Tingloy, Batangas) Mare1: bukas ulet mare ahh, pagkwentuhan natin yung taga dun sa isang kanto, nabuntis daw ng jowa nya eh menor de edad palang.  Mare2: sige mare, pag gising ko bukas ssulat ko na yung mga nasagap kong balita sa kanya. Pati pala yung sa kabilang barangay na biyuda, marami daw ngayong kinakasama.  Mare1: meron pa, yung kapatid bahay natin pala, gala ng gala. Nakakalbo na nga kaka selfie ohh. Mukang nagbabasa ngayon sa ig eh. Dahil di natutulog ang mga balita. Nakatutok sila bente kwatro oras! ig @cudztorya

Ebolusyon ng Blogger

Image
(Cagbalete Island, Mauban, Quezon) The evolution of bloggers. Kaya pala nalalagas na yung buhok ko. Delikado pala. Nag eemit daw kasi ng radiation ang mga camera kada picture, kaya nakaka apekto ito sa pagtubo ng buhok. Sana kamuka ko si Derek Ramsey pag wala na kong buhok.  Papa macho na lang ako. Update ko na lang kayo pag kamuka ko na si Derek. Pag walang update, kamuka ko na siguro si Kokey. ig @cudztorya

Lilipad na Ako

Image
(San Antonio, Zambales) Daig ko pa dito si rose na nagsabing, "jeeck! I'm flying!" Sabay tugtog ng My Heart Will Go On ni Celine Dion. Di pa masyado ganun kalakas ang hangin pero ang sarap sa pakiramdam ng bawat hampas at hinahayaan ko na lang matangay ang sarili sa bawat bugso nito. Bukod sa masarap na simoy ng hangin ay matatanaw mo pa ang napaka gandang landscape ng Zambales, at kita mula dito sa aking kinatatayuan ang Nagsasa Cove. Walang plot twist sa kwento ko ngayon, kasi wala rin akong Rose dyan, nag let go na, kasi nga walang poreber! ig @cudztorya

Skywalker

Image
(Cuenca, Batangas) Lagi akong late dati sa trabaho. Pero isang araw ng ma stranded ako sa traffic, sumabay pa ang masamang kulo ng tiyan. Bumaba ako ng jeep at nagsimulang tumakbo ng napakabilis. Bente anyos ako nung mga panahon na yun, at nung mga oras din na iyon una kong nalaman na sa bilis ng aking mga binti at paa, nagmimistulang naglalakad na ako sa ere at nakakalipad. Nakarating agad ako sa opisina, nasiko ang guwardiya ng di sinasadya, at di na ko nag time-in sa bukana. Dumirecho agad ako sa pinakamalapit na cr at doon naglabas ng sama ng loob. Kinabukasan, di na ko na late. Tinangal na kasi ako sa trabaho. Di na rin ako nag adik. Wala pala talaga akong powers. Nagkalat lang daw ako ng tae sa opisina. ig @cudztorya

Pananim

Image
(La Trinidad, Benguet) May kasabihan nga tayo na kung anong ating itinanim ay syang ating aanihin. Totoo naman, literal, kung nagtanim ka ng strawberry, alangan naman umani ka ng rambutan. Pag ganun ang nangyari, ang tawag dun, magic. Pag wala kang tinanim, syempre wala ka ring aanihin. Pero may mga ibang tao, kahit walang itanim, umaani ng pork. Punyeta! Swerte! Higit pa yun sa magic, ano ng tawag dun kung ganun.  ig @cudztorya

Suka at Hindi Susuko

Image
Gigising ako ng maaga. At dahil kami ay walang-wala, tanging sinag ng araw na lang ang pinaka almusal ko sa umaga. Roronda sa kalsada, kasabay ng mabibilis na sasakyang pumapasada. Maswerte na kung may bumili ng isa o dalawa sa aking paninda. Sapat na iyon hanggang sa makumutan ng dilim ang nilalakaran naming kalsada. Ngayon o kailanman, kahit sa ilalim ng mainit na araw, ako ay patuloy na mangangarap at umaasa na ako'y makakapag tapos at magiging maliwanag na ang susunod na mga araw.

Sina-pupu-nan

Image
Tatlong oras matapos sumikat ang araw. Naglakad kaming magbabarkada sa dalampasigan pagkatapos magtampisaw sa dagat. Mainit, maaraw, at bughaw ang kalangitan habang patungo kami sa aming bangka. Mabagal lang ang aming lakad, na para ba na naglalakad kami sa buwan. Binagalan namin dahil gusto namin damhin ang bawat pagtapak namin sa buhanginan ng dalampasigan dahil kinabukasan ay patungo na naman kami sa realidad ng buhay. Huminto ako at sinabing, "tapos na ang bakasyon, balik trabaho na naman tayo mga brod." Sumagot sila, "Di bale, may susunod pa naman", "pati wala narin pera eh". Sabay tawanan kaming magbabarkada. Sumagot ang isa, "ang drama nyo! tang ina nyo! ang babagal nyo maglakad! taeng-tae na ko! bilisan nyo mga punyeta kayo! Tang ina naman oh!" Sumagot ako, "Tang ina mo! Kain pa more gago!"

Poreber

Image
Palubog na ang araw nung mga oras na iyon, Nang makita ko ang dalawang ito na masayang nakaupo sa tabi ng puno. Habang nababalutan ng gintong sinag, kinunan ko sila ng walang pahintulot. Lumapit ako patungo sa kanila, at aking pinakita ang litratong ito na ako mismo ang kumuha. Habang pinagmamasdan nila ang imahe, sinasabi ko sa kanila ang aking nakaraan, "ang saya nyo tignan habang nagkukulitan, ganyan din kami dati eh". Dinagdag ko pa na, "darating din ang oras na, maghihiwalay din kayoooooooooooooooo! dahil walang poreber mga ulooooool!", sabay karipas ng takbo papalayo. ig@cudztorya

Bebet

Image
Parang ang sarap ulit maging bata. Biruin mo kayang-kaya ka pa na buhatin ng ganito at wala kang iisipin kundi mag enjoy at maglaro. Ngayon, ikaw na lang ang bubuhat sa sarili mo, pasan-pasan ang bawat bills at problema sa likod mo. Isama mo na yung problema mo sa lovelife kung in a relationship ka man o nag-iisa sa buhay. ig@cudztorya